Thursday, May 31, 2018
PASAWAY NA MGA KAPITBAHAY?
Tuwing umaga ang ina ay maagang gumising upang magluto sa kusina at maglinis sa kapaligiran. Bilang isang ina ay responsibilidad natin ang linisan ang ating mga paligid para sa ikabubuti ng ating mga kalusugan lalo na sa kalusugan para sa ating pamilya. Wala naman sigurong masama sa pagiging malinis sa ating tanahan at kapaligiran?
Ngunit sa aking pagising tuwing umaga bakit ako ay laging nagdadampot nagwawalis sa mga kalat na hindi sa akin? Tuwing umaga ako ay namumulot ng mga diaper ng bata na may laman nang dumi na nagkakalat sa aming bakuran at ito ay kinakain at pinupunit ng mga aso. Tuwing umaga ako ay nagtatakip ng aking ilong at mahabang pasensya na naglilinis ng kalat na hindi naman sa akin.
Isang araw, isang kapit bahay ang lumabas at nagdala ng kanyang walis at nagsabi "aanhin ang magandang bahay, mayaman, pag lumalabas ang sexy ang ganda ang pula ng labi ngunit ang paligid nya ay napupuno ng basura at halos kakainin na sya nga diaper at dumi ng anak nya?"...
Habang siya ay nagsasalita ako ay nagkaroon na ng idea kong sino at kanino galing ang mga kalat na nililigpit namin araw-araw tuwing umaga.
Maliban sa kalat ng sakong basura sa harap namin tuwing umaga kami ay nagtitiis na naglilinis ng kanal dahil ito ay napupuno ng basura dahil ang pasaway na mga kapitbahay ay tinatapon nila sa kanal ang kanilang mga basura, basurang di nabubulok at mga basurang nabubulok. Ang kanal na aming nililinisan ay hindi galing sa amin kundi galing sa kanila. Kahit na umaapaw na ang mabaho at maitim na tubig ay patuloy parin silang nagbulag-bulagan at dinadaanan na kahit ang kanilang bakuran ay mapupuno na ng tubig sila parin ay walang pakialam.
Halos araw-araw ganito ang nangyayari sa aming bakuran, kahit sila pinagsasabihan na ay patuloy parin sa kanilang mga ginagawa. Minsan gusto kong magalit ngunit naisip ko na nakakatulong ba ang galit ko sa kanila? Alam nila na di tama ang kanilang mga ginagawa ngunit patuloy parin nilang ginagawa.
Minsan gustong gusto ko na magalit ngunit sinabi ng bibliya na ... love thy neighbour as thyself Matthew 22:39. Dahil sa mga pangyayaring ito na e exercise ko ang aking pasensya at pakikitungo sa kapwa. At lagi kong iniisip na darating din ang panahon na mamulat din ang kanilang mga mata sa mga ginagawa nila. Ayaw kong kainin ng galit at magalit sa kanila dahil kong nagpadala ako matagal ko na silang naging kaaway.
Bilang isang ina at mamayan sa aming baranggay ang pagbabago sa ating bansa ay nagsisimula sa ating mga sarili. Pano aasenso ang ating bansa kung sa tahanan palang natin di na natin maayos ang ating sarili? Sa simpleng basura natin sa ating tanahan di natin malinis at mailagay sa tamang lagayan? Lagi natin tandaan na kahit sa isang pinakamaliit na bagay ito ay nagdudulot ng malaking dagok sa atin. Wag natin hayaan na mapahamak ang ating mga pamilya dahil sa katamaran at kapabayaan natin. Ang mga dumi na nasa ating tahanan at kapaligiran ito ay maaring magdadala sa atin ng malaking problema sa ating kasulugan at hahantong sa kamatayan.
Ano-ano ba ang mga pangunahing problema ang mga nararanasan nyo sa inyong mga kapit-bahay?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Aww, ang sakit naman sa ulo ng neighbors mo. Buti na lang maayos sa basura ang neighbors ko and may nagwawalis din sa lugar namin ng daan. Hate ko din ang aso na nagtutumba ng basura namin, kasi napapalinis ako ng di oras. Nawa'y humaba pa pasyensya mo.
ReplyDeleteButi wala kaming ganyan na mga kapitbahay! Nakaka-stress, but yeah, you need to forgive as many times as you can. Momshie, you need patience sa mga ganyang suliranin. Sana nawa'y matauhan ang kapitbahay mo.
ReplyDeleteI don't like neighbors like that. We also have that kind of neighbor. They would trash their basura at the abandoned house in front of us. Nakakainis lang talaga. Perp ang di ko matake na attitude ng neighbor namin ay ayaw man lang magpapark sa kahit dulo ng harapan nila kahit saglit lang. As in nag aamok na talaga. Di marunong makipag kapwa tao.
ReplyDeleteHi Ate, damang dama kita. Naghahanap ako ng karamay ganyan ganyan ang sitwasyon ko..������
ReplyDelete