Bilang isang asawa ng ofw o asawa ng marino ay di madali ang buhay. Ang nasa isip ng iba pag ikaw ay asawa ng isang marino ay para kang isang REYNA na nasayo na ang lahat, pera at makukuha mo lahat ng gusto mo. "AKALA LANG NILA YON"!
Ma suwerte ang iba dahil maaga naka akto ang kanilang mga asawa sa barko at nagkaroon agad ng sariling bahay, magandang negosyo at ipon at meron na namang minalas na kahit anong laki ang sahod sa barko pero walang na iipon at mas malaki pa ang utang sa banko kaysa sahod ng asawa na nasa barko. Kaya iba-iba ang story ng mga marino at mga hamon na kanilang pinagdadaanan di lahat may magandang story.
Sa Pilipinas maraming mga pamilya ang umaasa sa mga kamag anak na may trabaho. Sa ayaw natin at gusto o iilag man tayo yan talaga ang totoo. Maraming pamilyang Pilipino ang naghihiwalay dahil sa hirap ng buhay kahit masakit at labag sa kalooban ay kaylangan umalis mag ibang bansa upang mabigyan ng marangyang buhay ang kanilang mga pamilya at mga anak.
Subalit hindi lahat ng nag aabroad ay ma suwerte sa kanilang mga kamag anak na naiwan dito. Marami akong nakilala at nakausap na ang problema nila ay pag nasa abroad ang kapatid kamag anak di sila mag dalawang isip na mang hinge ng pera dahil wala silang pera dito at walang trabaho. Ang masaklap pa mangungumusta lang sila mag "WAVE" pag may kailangan.
Minsan ang masakit pa, lahat ng pangangailangan nila na kwento na nila sayo di man sila makatanong kung "Kumusta kana"? Masaklap diba? puro lang sila e pano naman si ikaw??????
Pag tutulong ka masaya sila pero pag di ka makabigay dahil may kailangan ka pang uunahin at babayaran di nila maintindihan at ikaw ang lalabas na masama dahil nga ang alam ni abroad ka.
Kung tuusin kayang kaya naman talaga natin mag trabaho, habang malakas ka pa at maganda ang katawan mo kahit wala kang natapos kaya natin dumiskarte. Bumangon ka magtrabaho ka mag sumikap ka. Minsan kasi kahit literal na pag bangon sa umaga ay tinatamad na tayo. Ang pag unlad ng buhay natin kahit saan man tayo ay laging nagsisimula sa sarili natin.
Ang Panginoon di nagturo sa atin na mag tinamad maraming mga sinabi ang Bible patungkol sa isang taong tamad, "ang taong tamad ay dapat di pakainin". 2 Thessalonians 3:10
BUMANGON KA MAGTRABAHO KA MAG SUMIKAP KA! dahil hindi natin alam ang bukas. Ang mga taong nagtatrabaho para sa atin ngayon di natin alam ang bukas, di sila laging malakas sa habang panahon.
Ang Panginoon pag palain Nya ang mga taong nagsusumikap nagdadasal kumikilos kung tamad-tamad tayo walang blessings na darating sa atin at lagi tayo magugutuman at wala tayong maihain sa ating hamagkainan.
I feel you, I have a mom and aunt who work abroad too and sila din lagi takbuhan. For me, yung nagwowork dito and abroad ay walang pinagkaiba, pareho lang din yan na sumusweldo kada buwan na kailangan din gastusin sa sariling needs and wants. Hindi porket nasa abroad, laging may extra money. Kawawa yung nasa abroad, wala naiipon dahil lagi nagpapadala.
ReplyDeleteSad to say, may ganyang mentality nga dito. May tao din talahang sadyang walang alam gawin kundi umasa sa hingi. Parang wala din lang sense of hiya. Pag tinangihan mo eh ikaw pa selfish. Oh well, dedma na lang tayo sa mga taong ganon.
ReplyDeleteI agree, masalas akala ng iba napupulot ang pera sa ibang bansa. Hindi nila alam na hirap at pawis at lungkot ang puhunan ng mga nasa abroad para kumita ng maipapadala sa kanilang mga pamilya.
ReplyDelete