By Raingarden |
Before I start writing this, I thought of it for so many times whether to post this or I just let this blow my mind away and take all the heartaches and wait for the right time to heal. But, I think this can help me also ease the pain inside my heart. Even though we gave it already to the Lord but we are just human who feel bitterness that sometimes lead us to sin.
This past few months, my old friend was struggling about a very sensitive and not pleasant issue about her married life. She denied everything even though there's so many evidences gathered from her family already. By the time we proved that it was true indeed as she could not hide the truth anymore, she responded by blocking us from her Facebook accounts including us, her close friends. So, I think this is the way that I can do right now.
BILANG ISANG MAG KAIBIGAN
Kami ay magkakilala mula pa nong 3rd year high school pa hanggang pareho kaming nag college sa isang school at nag working students kami don.Hanggang sa nagkatrabaho at nag asawa kaming pareho at hanggang sa kabigatan ng problema namin sya ang tinuring kong best friend, kaibigan, at barkada sa ministry. Di ko makakalimutan ang aming masasayang memories, kalokohan, at kasiyahan na aming nadarama pag kami ay magkasama. Feeling namin kami lang ang tao sa mundo kaya naisip ko na hanggang pagtanda namin magkakaibigan pa din kami at magkasama sa ministry.
BILANG PAREHONG ASAWA NG SEAMAN
Ang kanyang husband ay cousin din ng husband ko kaya mas lalong masaya kami at pareho pang seaman. Kaya akala ko ay mas lalo kaming magkakalapit kasi magkapitbahay lang kami if she needs me I am always here and willing to listen all her problems. Nag oopen pa sya nong una about sa problem ng husband nya sakin, first reasons about the family of her husband. I understand her kasi naranasan ko yan at nalampasan namin ng mag asawa. At lagi kong sinasabi sa kanya na pag usapan ng mabuti at hintayin ang husband sa personal pag usapan ng maayos. Pero dumating ang panahon na wala na talaga akong narinig mula sa kanya at di na sya nakikipag bonding sa amin. In short, wala na syang time kasi busy sa work at minsan na lang din sya nagsisimba pero iniintindi pa din namin. Ano kaya ang pinagka busyhan nya?
WHEN THE ISSUE STRIKES
1. May mga issues about her na di na maganda sa aking pandinig. Nong umuwi ako ng province talagang pinagtanggol ko sya at kinausap ko ng isa isa ang mga tong nakakaalam sa issue nya. May inaway pa ako dahil sa pagtatanggol ko sa kanya. Kasi mas kilala ko sya at alam ko na di nya ito magagawa.
2. Ang kanyang mother-in-law nag-chachat sa akin nagtatanong about this issue and again sinagot ko na di po totoo yan at wala naman. Work bahay church lang sya sa subrang busy nya wala na din syang time para makipagbonding sa amin.
3. Pagbalik ko dito sa manila from province may kumausap na naman sa amin about her another issues na kaylangan namin syang kausapin kasi di namin alam at di namin sya mapagtanggol. Kahit mahirap ang schedule at may bitbit pa kaming anak pinuntahan namin sya sa work nya at iniisa isa namin lahat ang issues about sa kanya at sinagot nya naman lahat. After this, nag move on na kami at okay na at wala nang problema.
4. Months after, meron na naman at ito ang pinakamahirap na tanggapin na issue. Nagkunwari na di alam ang issue, pinuntahan sa bahay, kinausap ng maayos, pinag pray, kinausap ulit nagkunwari na okay sila with her husband sa harap namin pero di naman pala.
OUR CONFRONTATIONS
After a couple of weeks, there's no more explanations from her. But we are still waiting because despite of all the issues, we still respect her specially our friendship. WE WERE WAITING FOR HER TO SPEAK UP and open all the truth to us and we are willing to listen and understand her but we did not see even a slightest shadow. That's why we decided to chat her in our group chat and as expected she denied all of the issues and said "ang kikitid ng utak nyo". We don't have a choice and decided to leave the group.
SYA PA ANG GALIT NA GALIT....
One thing that I noticed every time I hear something about her, what I do is chat her directly and ask. But I observed na pag may ganung scene nagagalit agad sya sa akin, at bakit daw may mga issue na ganun. Ako naman bilang isang kaibigan na nagmamalasakit sa kanya kaya I want to ask her first kasi gusto ko manggaling sa kanya mismo kong totoo ba o hindi kaso masyadong halata na guilty sya. Kasi isang sentence palang ang tanong mo sa kanya galit na galit na sya. Ano'ng problema? Even to her family yan din pala ang ginagawa nya. Pag kinakausap sya sya pa ang galit na galit at naghahanap ng lusot basta makalusot lang sya kakalabanin nya ang lahat para sa kanyang sariling kaligayahan.
Sa subrang tapang nya di nya na namalayan na kinain na sya ng galit nya at di nya na naisip ang mga kinakalaban nya ay ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.
SOME PARINIG POSTS FROM HER FAMILY
WHY IS IT EASIER TO TELL LIES THAN TO TELL THE TRUTH?
Akala ko noon mga haka-haka lang, at gusto lang sisirain ng mga taong naiinggit sa kanya ang kanilang buhay bilang mag asawa. Bilang isang asawa ng seaman, naiintindihan ko ang kanyang sides every time na mag sabi sya sakin ng kanyang mga problema dahil ang asawa ko din ay isang seaman din naman at ang mga nararanasan nya ay nararanasan ko din. Pero di naman lahat tulad ng pagkakaroon ng bestfriend na boylet while nasa barko ang husband? NO WAY!Being good friends with her we always find time for her every time she had a problem. But in the end we just realized that we are just wasting our time. Pinag pray pa namin sya ng harap harapan, Niyayakap pa namin sya ng mahigpit with love and care and concerns, but she hugs me lies and tell us the lies. Being a friend to her mas matatanggap pa namin na sabihin nya sa amin ang totoo kung nagkasala man sya o hindi. Wala naman kaming magagawa di ba? Gusto lang namin sya matulungan pero puro din pala kasinungalingan lahat. Kung nagsisinungaling sya sa husband nya at sa mga kapatid nya, sa amin pa kaya na kaibigan nya lang? or tinuring nya ba talaga kaming kaibigan?
Ang masakit lang kasi para sa akin kaylangan pa na sa iba pa namin ma confirm kahit kinakausap naman namin sya ng maayos. Sa iba pa namin mapapatunayan na totoo ang mga ginagawa nya. Naisip ko din na baka yon ang paraan nya para mapagtanggol ang sarili nya pag di nya aaminin ang mga ginagawa nya. Pero bilang kaibigan di ko na rin alam ang sasabihin sa mga nagtatanong kaya magulo at pinagpray ko nalang.
WHY IT HURTS SO BAD?
-She is my bestfriend, she is like a sister to me my closest friend and I love her so much.
-I was always praying for her love life since the day I met her and I was always in her side for a decade but she ended our friendship in a one click without leaving any words.
-Bakit sya nagpakasal kung di nya naman pala kayang maging faithful sa pinsan ng hubby ko at parang tinapon nya na parang basura.
-I fought for her during the issues in the province pero pinatunayan nya na tama pala ang lahat at subrang sakit para sa akin.
-Sana inamin nya nalang lahat kahit masakit handa naman namin sya patawarin at handa kaming e encourage sya basta di lang sya mawala sa church at tutulungan namin sya.
-Bakit nya kami kinakalaban na di nya naman kami ang kaaway nya kundi ang sarili nya?
-BAKIT ANG DALI LANG NYA LANG MAGSINUNGALING?
-Bakit sya nagsinungaling?
-Bakit sya sinungaling?
MY FINAL WORDS FOR HER
Alam kong galit ka sa akin ngayon, alam mo din na nagalit ako sayo. This week nakausap ko ang mga kapatid mo halos di ako makapaniwala sa ibang narinig ko, nakausap ko din ang taong pinarentahan mo ng bahay at lam mo kung sino yon. Habang sila ay nagsasalita tungkol sayo sa katagalan para ng manhid ang puso ko na di na nasasaktan at parang casual nalang kasi kahit ano pa ang gagawin nila tungkol sayo wala narin silang magagawa sa mga desisyon mo dahil matanda kana at alam mo naman ang ginagawa mo.
Unang una di ko lubos na magagawa mo ang mga bagay na ito, Oo kilala kita at alam ko na mahina talaga ang puso mo at mabilis ito tumibok sa mga taong mabait sayo. Pero di ko lang lubos maisip na magawa mo pa din hanggang ngayon na kahit kasal kana. Masakit man isipin pero nagawa mo na at nangyari na. Habang nasa mundong ito ay di tayo makaiwas sa temptation ni Satan pero sana bilang isang may Diyos sa buhay natin sana mas piliin pa din natin ang tama.
May mga tanong ako na naglalaro sa isip ko kung ligtas kaba talaga? Kasi kung Oo yan nalang ang tanging pag asa. Pero nagtataka ako bakit mo ito nagagawa kung ligtas ka? Ikaw ang babaeng maganda ang panlabas at panloob na nakilala ko. Ikaw yung babae na maingat magkamali or let's say perfectionist and hate ang kasalanan. I think mas conservative ka pa nga kaysa akin di ba? Pero bakit ganun?
Tao lang din ako na nagkakasala at pinatawad din ni Lord bakit di kita kayang patawarin? sa kabila ng ginawa mo na miss kita, gusto kitang hanapin at yakapin, gusto kitang tulungan, gusto kung itanong sayo kung nasaan na yung kaibigan ko noon? Gusto kitang sumbatan, pero mas gusto ko pa din isipin ang mga kabutihan mo kaysa mga pagkakamali mo upang mabura lahat ng bitterness na naramdaman ko.
Kahit nakablock na ako sayo okay lang sakin kung yan ang nakakapagbigay ng peace of mind mo. Naintindihan kita dahil sa mga posts at marinig ng mga pamangkin at mga kapatid mo sayo. Pero sana gusto kong malaman mo na kahit e block mo pa lahat ng tao na connections sayo di mo mabubura ang mga ginawa mo at higit sa lahat ang Panginoon lang makabura ng mga kasalanan mo.
Alam ko na di ka naman iwanan ni Lord. Pero sana makayanan mo lahat ng consequences na darating sa buhay mo.
Sa pinili mong buhay ngayon sana maging masaya ka, sana yung masaya na puno ng pagmamahal at walang pag sisi. At sana ang taong pinili mo ay di ka sasaktan tulad ng ginawa mo sa asawa mo. Dalangin ko sayo na sana di ka pabayaan ni Lord at maging healthy ka. Dahil kong magkakasakit ka walang kapatid o magulang ang mag alaga sayo dahil di ka nila mahanap at di nila alam kong nasaan ka. Sana mabibigay ng taong kasama mo ngayon ang yakap ng pamilya mo everytime na malungkot ka. Maalagaan ka niya tulad ng pag alaga ng mama mo sayo kahit na may asawa kana. Sana maging mabait sya sayo kahit inaaway mo sya katulad ng kabaitan at sakripisyo ng ginawa ng asawa mo sayo noon. At sana makahanap ka ng kaibigan na ipagdasal ka lagi at mamahalin ka tulad ng pag mamahal namin sayo.
Salamat sa friendship na di ko makakalimutan. Salamat sa mga memories. Kahit malayo ka sa amin ito ang tandaan mo umaasa pa din kami na balang araw babalik ka sa amin. At kung mangyari man yun tatanggapin ka namin.
Hugs sis! It must be super painful for you to lose your best friend. I'm sure she knows that she has chosen the wrong path that's why she's angry with all of you who keeps badgering her about it. Maybe in time she'll get to her senses. If ever the prodigal friend returns, she'll need the support of her friends more than ever. Will you be willing to take her back?
ReplyDeleteOf course sis! That's why even it's painful I am always praying for her. But right now I think she needs a space and time to think. Thanks!
DeleteThis is so sad. There are friendships that last forever, but there are also friends that come and go. Hugs to you and praying that you have a peace of mind in everything that is happening around you.
ReplyDeleteYou must really be hurting. It truly is a painful experience to end a friendship youve taken care of for years.. but I guess the only thing to do now is let your friend be.. she might be needing space so give her space. She may have blocked you from her social media channels but inside her hurt, she loves you still. She is just hurting and wantinf some space. I am positive she will return and the friendship will be healed in time..
ReplyDelete