Karamihan sa mga mag asawang Filipino ngayon ay tinitiis ang maging malayo sa kanilang asawa o pamilya mapa-babae man ito o lalaki upang mabigyan lang ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Maraming mga mag asawa na kahit masakit man ay kailangan tanggapin ang paglayo ng asawa sa kanya at pikit mata nalang tiisin ang pagkakalayo nila.
Ang tao ay hindi perperkto, kahit saan kahit kaylan ay pwedeng magkamali. Higit sa lahat walang marriage na perfect lalo na sa mga mag asawang magkalayo. Maraming nangyayari na hindi natin inaasahan dahil sa ating mga kahinaan.
Hindi rin natin masisisi kung bakit may mga mag asawang naghihiwalay dahil sa "third party" di rin natin alam kung ano ang kanilang mga dahilan o mga pinagdadaanan. Marami nga ang naghihiwalay na araw-araw na nagkasama at nasa malapit lang ano pa kaya ang nasa malayo? Kaya wala din tayong karapatan upang humusga sa kanila kung di naman talaga natin alam ang kanilangmga naramdadaman.
Ano ba ang gagawin ng isang asawa upang makaiwas sa temptation habang malayo ang husband?
1. Laging IPINALANGIN ang iyong sarili/ Pray yourself
Lagi natin ipag pray ang ating sarili sa Panginoon. Dahil naniniwala ako na napakamakapangyarihan ng isang dasal para sa ating sarili. Hingiin natin kay Lord na bigyan tayo ng self control habang wala ang ating asawa at malayo sa atin, na di tayo madala sa mga tukso sa paligid natin. Sinabi sa bible sa 1 Thessalonians 5:17 "Pray without ceasing" magsipanalangin kayo na walang patid. Hindi lamang ang ating sarili ang ipanalangin natin pati narin ang ating husband na nasa malayo kasi mas kailangan nila ang ating mga panalangin. Kaylan mo ba huling ipinagdasal ang iyong asawa?
2. Guard Your Heart
Kung may mga police na nagbabantay para sa ating bayan dapat tayo din bilang isang asawa ay bantayan natin ang ating puso. Bakit ba kailangan natin bantayan ang ating puso? sinasabi sa Jeremiah 17:9 "The heart is deceitful..." minsan di natin napapansin na nahulog na pala tayo sa isang tao o kaibigan natin lagi nating kasama. Ang tukso ay kahit saan saan alam ba natin na kahit nasa bahay lang tayo mas marami ang posibilidad na matukso tayo lalo na pag wala tayong pinagkaka-abalahan. Sabi nga ng Proverbs 4:23 "Guard your heart above all else...".
3. Iwasan ang pakikipag kaibigan sa lalaki o makikipagkita na dalawa lang kayo
Habang nasa malayo ang iyong husband hangga't maari iwasan mo ang pakikipag kaibigan sa lalaki. Hindi naman masama ang makikipag kaibigan sa isang lalaki ngunit minsan maraming mga relasyon ang nasisira dahil di natin namalayan na nahulog na pala tayo sa lalaki na kaibigan natin habang wala ang ating husband. Minsan tayong mga babae pag may mga problema tayo di natin maiwasan na maghanap ng masabihan ng ating mga problema. Pero mas maganda na maghanap ka nalang ng babaeng kaibigan upang mapagsabihan mo ng problema habang wala pa ang iyong asawa. Kasi minsan pag long distance relationship ang mga asawa ay di nagsasabi ng problema sa kanilang mga husband dahil ayaw nila itong makadagdag ng stress o homesick habang nasa ibang bansa ito. Pero ang mas pinaka-magandang solusyon ay ipanalangin mo nalang ang iyong mga problema at sabihin mo sa Panginoon at kung may pagkakataon sabihin mo narin sa iyong husband upang makaiwas sa temptation.
4. Laging e communicate si husband
Bilang asawa ng isang Ofw or asawa ng malayo ang husband may karapatan tayo na alamin ang kanilang schedule at ang kanilang break time. Wag tayong mapagod sa pakikipag communicate sa kanila. Lagi natin iparamdam sa kanila na excited tayo makausap sila lagi. Minsan kasi dahil pagod tayo sa ating mga anak o sa paglilinis ng bahay di tayo makapagbigay ng saktong oras para sa ating husband, Minsan natutulugan natin sila, kaya minsan tayo din ang nagbibigay sa kanila ng chance upang makanap sila ng ibang kausap. At ganun din sila sa atin. Dahil sa pakikipag communicate natin sa kanila lagi di natin maramdaman na malayo sila sa atin at di tayo masyadong nalulungkot dahil parang kasama narin natin sila.
5. Matakot tayo sa Panginoon
Kung may takot tayo sa Panginoon maiiwasan natin ang lahat ng uri ng temptation kahit saan man tayo. Sinabi ng bibliya sa Romans 12:2 "At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios."
Bawat bagay na gagawin natin pag isipan natin ito ng ilang beses kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama sa pagkatao natin. Isipin natin bilang isang babae, kung ano ang itinanim natin ay sya ring aanihin.
Bilang isang asawa ng seaman napakahirap din ng situation naming dalawa pero nagpasalamat ako sa Panginoon dahil lagi Siyang nandyan upang maging maayos ang aming relasyon sa loob ng pitong taong pagsasama namin at pareho kaming may takot sa Panginoon.
1 Corinthians 10:13
No temptation has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it.
Ang pagiwas talaga is a number one rule. If alam natin na may potential na maging risk sa relationship ng mag asawa dapat we should place ourselves in the right frame of thinking.
ReplyDeleteAll true. Be also busy with something. Yung friend ko, siya yung naiwan sa pinas. Para hindi niya maisip manlalaki, nagfocus sya sa pagpapalago ng business at sa mga anak. Yung busy sya na wala time para manlalaki. 😂 Anyway, it has worked for them. :)
ReplyDeletepraying will always be our number #1 defense to protect our marriage. Kahit anong guard mo ng marriage nyo, if walang prayers to go with it, parang walang kwenta. Thanks for sharing these tips :)
ReplyDeleteAng hirap malayo sa asawa kasi lungkot ang kalaban diyan. So you really need to guard your heart and thoughts. I agree with Gil, yung pagiging busy, mawawalan ka ng oras na maghanap ng iba kasi sa sarili mo pa lang kulang na oras mo. :)
ReplyDeleteI totally agree on #3 iba na kasi pag may asawa na. It's okey to be friends but not that "too" close with opposite sex. And with that you can do the #2 : that is to guard your heart.
ReplyDeleteI agree and love your tips here. I believe that if we fear the Lord, we will also fear doing anything wrong.
ReplyDeleteI always remember one word when it comes to infidelity - FLEE. This is what Joseph did when Potiphar's wife started tempting him - he FLED right away. Bago pa man may mangyari, iwas na agad. When Dane left, I somehow knew we can make it. But I know I can't trust myself, so pray and ask for God's help talaga.
ReplyDelete