Showing posts with label PASAWAY NA MGA KAPITBAHAY. Show all posts
Showing posts with label PASAWAY NA MGA KAPITBAHAY. Show all posts

Thursday, May 31, 2018

PASAWAY NA MGA KAPITBAHAY?



Tuwing umaga ang ina ay maagang gumising upang magluto sa kusina at maglinis sa kapaligiran. Bilang isang ina ay responsibilidad natin ang linisan ang ating mga paligid para sa ikabubuti ng ating mga kalusugan lalo na sa kalusugan para sa ating pamilya. Wala naman sigurong masama sa pagiging malinis sa ating tanahan at kapaligiran?

Ngunit sa aking pagising tuwing umaga bakit ako ay laging nagdadampot nagwawalis sa mga kalat na hindi sa akin? Tuwing umaga ako ay namumulot ng mga diaper ng bata na may laman nang dumi na nagkakalat sa aming bakuran at ito ay kinakain at pinupunit ng mga aso. Tuwing umaga ako ay nagtatakip ng aking ilong at mahabang pasensya na naglilinis ng kalat na hindi naman sa akin.

Isang araw, isang kapit bahay ang lumabas at nagdala ng kanyang walis at nagsabi "aanhin ang magandang bahay, mayaman, pag lumalabas ang sexy ang ganda ang pula ng labi ngunit ang paligid nya ay napupuno ng basura at halos kakainin na sya nga diaper at dumi ng anak nya?"...
Habang siya ay nagsasalita ako ay nagkaroon na ng idea kong sino at kanino galing ang mga kalat na nililigpit namin araw-araw tuwing umaga.