Bilang isang asawa ng ofw o asawa ng marino ay di madali ang buhay. Ang nasa isip ng iba pag ikaw ay asawa ng isang marino ay para kang isang REYNA na nasayo na ang lahat, pera at makukuha mo lahat ng gusto mo. "AKALA LANG NILA YON"!
Ma suwerte ang iba dahil maaga naka akto ang kanilang mga asawa sa barko at nagkaroon agad ng sariling bahay, magandang negosyo at ipon at meron na namang minalas na kahit anong laki ang sahod sa barko pero walang na iipon at mas malaki pa ang utang sa banko kaysa sahod ng asawa na nasa barko. Kaya iba-iba ang story ng mga marino at mga hamon na kanilang pinagdadaanan di lahat may magandang story.
Sa Pilipinas maraming mga pamilya ang umaasa sa mga kamag anak na may trabaho. Sa ayaw natin at gusto o iilag man tayo yan talaga ang totoo. Maraming pamilyang Pilipino ang naghihiwalay dahil sa hirap ng buhay kahit masakit at labag sa kalooban ay kaylangan umalis mag ibang bansa upang mabigyan ng marangyang buhay ang kanilang mga pamilya at mga anak.
Subalit hindi lahat ng nag aabroad ay ma suwerte sa kanilang mga kamag anak na naiwan dito. Marami akong nakilala at nakausap na ang problema nila ay pag nasa abroad ang kapatid kamag anak di sila mag dalawang isip na mang hinge ng pera dahil wala silang pera dito at walang trabaho. Ang masaklap pa mangungumusta lang sila mag "WAVE" pag may kailangan.